8 SCHOOLS, MAG-UUBUSAN NG LAKAS SA 9TH UCSAA OPENING

Bosco Technical College-Mandaluyong. Malugod nilang sasalubungin ang limang bagong tanggap na kasapi kabilang ang AMA University, WCC Aeronautical and Technological College, Saint Felicity College, STI College-Balagtas at Lyceum Northwestern University.
Anim na koponan ang kasali sa Juniors Division para sa mga mag-aaral ng High School na ipinanganak ng 2001 pataas. Ang LNU at Don Bosco lang ang hindi sasali sa Juniors.
Matagumpay na nagdaos ng preseason tournament noong Hunyo ang UCSAA kung saan kampeon ang AMA. Dahil dito, nahanay ang baguhang Titans sa mga maagang paborito para masungkit ang korona sa Seniors Basketball kasama ang Saint Dominic Savio at First City. Magbubukas ang mga magkasabay na torneo ng volleyball sa seniors, women, boys at girls sa Nobyembre 14. Susundan ito agad ng mga palaro sa chess at table tennis.





Comments