top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Wag lang bili nang bili... pagbabasa ng food label, importante para sa malusog na pangangatawan

  • Donna Thea Topacio
  • Jul 30, 2019
  • 2 min read

BAGO matapos ang Nutrition Month, importante na ma­laman ng lahat kung gaano kahalaga ang pagbabasa ng food label. Kaya kung gus­to nating ma­ging healthy, dapat din na­tin itong ikonsi­dera. Alamin ang mga paraan para lu­bos na mapakinaba­ngan ang label ng pagkain:

1. PAGBASEHAN ANG LAKI NG ITEM. Of course, mga beshy, kung malaki ang item, for sure, mataas ang bitamina at iba pang nutrition facts, kaya dapat du’n palang, eh, knows n’yo na kung anu-ano ang dapat nin­yong ikonsumo. Kung nag­­­papataba kayo, mai­nam kung malalaki ang bibilhin ninyo, kung hindi naman ay vice-versa. Gets?

2. ITSEK ANG CA­LORIES AT FAT. Make sure na itsetsek ang satu­rated fat at trans fat con­tent ng pagkain. Para sa mga gustong mag-diet, panatilihing mababa ang saturated fat at cho­lest­erol at umiwas sa mga pag­kaing mayroong hy­dro­genated vegetable oil. Ga­yunman, may mga pro­duktong may label na low-fat at non-fat. Copy?

3. ISAALANG-ALANG ANG ALAT. Ikumpara ang sodium con­tent sa calories per ser­ving. Para mapanati­ling maganda ang sodium intake, dapat ay sapat lang ang alat base sa dami ng produktong nasa loob ng packaging. Halim­bawa, kung 250 calories per serving, dapat ang so­­dium nito ay hindi lalag­pas sa 250 mgs.

4. SIGURADUHING MAY FIBER. Maraming naitutulong ang fiber sa ating katawan tulad ng nai-improve nito ang ating bowel movement at naka­pagpapahaba ng buhay, kaya kung bibili kayo ng produkto, make sure na mayroon itong fiber kahit 5gms. lang.

5. BAWASAN ANG PAGKONSUMO SA MATATAMIS. Oks lang maging sweet, pero hu­wag masyado, mga be­shy, dahil nakakataba ito at prone sa pagkakaroon ng diabetes.

Gayunman, ang iba pang pangalan ng asukal ay agave nectar, brown su­gar, cane sugar, corn swee­­tener, dextrose, mal­tose, fruit juice concen­trate at glucose na impor­tanteng alam ninyo para hindi kayo malito.

Ngayong alam na na­tin kung paano baba­sa­hin nang tama ang food label, make sure na magi­ging conscious tayo sa ating kalusugan.

Okidoki?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page