top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sa mga mall, hotel, ospital, iskul etc. libreng parking

Jeff Tumbado
Jul 30, 2019
1 min read

ISINUSULONG na malibre na ang parking fee ng mga nagtutungo sa mall, hotel, ospital, eskuwelahan at iba pang katulad na estab­lisimyento.

Nilalayon ng House Bill 506 ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na ma­tigil ang labis o hindi na ma­katwirang parking fees sa pamamagitan ng pag-regulate nito.

Sa ilalim ng panukala, kung ang kustomer ng shop­ping mall, restoran, tinda­han at katulad na establisim­yento ay makapagprisinta ng pruweba o resibo na may binili o transaksiyong hindi bababa sa P500 ang halaga, dapat ay waived o hindi na sisingilin ng parking fee.

Gayunman, kung gaga­mit naman ng parking space hanggang tatlong oras, pu­wedeng masingil na ng stan­dard rate.

Hindi naman hihigit sa P100 ang dapat singilin kung ang kustomer ay pumarada ng hanggang 8 oras at ka­ragdagang P10 lang sa bawat oras kung sosobra na.

Ang overnight parking na­man ay hanggang P200 lang.

Para naman sa mga bisita at pasyente ng ospital, hindi dapat masingil ng parking fee kung makapagpapakita ng patunay na mayroon itong ginawang lehitimong tran­sak­siyon.

Kung ang may-ari ng mga establisimyento ay ma­niningil ng parking fee, baba­wiin ang waiver sa liability sakaling may mawala o ma­pinsala sa sasakyan.

Ang sinumang lalabag ay maaaring magmulta ng hindi bababa sa P150,000 kada kustomer na nasingil ng labis na parking fee o pag­kakapiit ng isa hanggang tat­long taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page