Panahon na raw para sa pag-ibig, sis! nanaginip na 'di takot sa ahas; puwede ng mag-BF
- BULGAR

- Jul 30, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Elena ng Elena_Joson@facebook. com
Dear Professor,
Napanaginipan ko ang ahas, hinahabol ko ito at gusto ko raw patayin. Pero, nagpunta ito sa likod ko at hindi raw ako natakot.
Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Elena
Sa iyo Elena,
Kapag napanaginipan ang ahas, ang nanaginip ay matured na. Ibig sabihin, hindi na siya dalagita o bagong dalaga. Nilagyan natin ng salitang “bago” dahil ang mga nakapanaginip ng ahas ay mga babae na may edad na.
Ibig sabihin, sila ang mga dalaga o babae na pinapayuhang magmahal, ‘yung tipong malalim na pagmamahal.
Puwede na silang makipagrelasyon na maihahambing sa relasyon ng mag-asawa.
Sa ganitong katotohanan, ang payo para sa iyo ay kalimutan mo muna ang buhay ng dalaga na takot nang pumasok sa malalim na pakikipagrelasyon.
Kailangan mong matanggap na ang buhay ng mga babae ay mula sa pagiging musmos na bata, magiging dalagita, pagkatapos ay ganap na dalaga at ang kasunod ay magiging ganap na siyang babae.
Kapag hindi nangyari ang nasabing mga parte ng buhay ng babae, siya ay makararamdam ng malalim na kalungkutan na maaaring magresulta sa pagkakaroon niya ng mga karamdamang kahit ang doktor ay hindi alam kung ano ang sakit niya.
Kaya, ikonsidera mo ang pagpasok sa relasyong malalim at seryosohan.
Huwag kang mag-alala dahil sa panahon ngayon, ang pag-aasawa ay nagsisimula muna sa magaan na relasyon bago ipakita sa mga tao na sila ay nagtuturingang mag-asawa na.
Ito ang katotohanan, kaya muli, ikonsidera mo ang nasabing payo.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments