top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

May sakit sa isip, masakit din ang bulsa sa sobrang mahal ng gamot!

Ryan B. Sison
Jul 30, 2019
1 min read

HINDI biro ang pagkakaroon ng mental health condition, kaya nararapat lang na isa ito sa mga dapat bigyang-prayoridad ng pamahalaan ngayon.

Gayunman, ang sakit sa pag-iisip ay pangatlo sa nangungunang sakit ng mga Pilipino, kaya inihahain ang panukalang may layong bawasan ang presyo ng mga gamot para sa mga indibidwal na naka­raranas ng ganitong kondisyon.

Matatandaang, ang Philippine Mental Health Act RA 11036 ay may rules and re­gulations kung saan maaaring maka­kuha ng persons with disabilities (PWDs) I.D. ang mga taong may mental health issue tulad ng bipolar disorder, post-trau­matic stress disorder at schizophrenia.

Gayundin, may 20% discount ang pagbili ng gamot kapag may PWD I.D. at malilibre ang value added tax (VAT) sa karamihan ng mga serbisyo.

‘Yun nga lang, kulang pa rin umano ito dahil sobrang mahal ng presyo ng mga anti-depressant na gamot na 10 porsi­yento agad ang kabawasan sa minimum wage sa bansa.

Samantala, ang pagkakaroon ng dep­resyon ay walang pinipiling antas, pero paano kung ang indibidwal na may­roon nito ay walang kakayahang maka­bili ng gamot na magreresulta para lalo pang lu­mala ang kanyang kondisyon?

Kaya ang panawagan natin, konside­rasyon para sa mga pasyenteng naka­raranas ng mental health condition, ipa­ramdam!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page