Level up ang partner mo, Coco! YASSI, BIDA SA ACTION MOVIE NG MGA FOREIGN PRODUCERS

Beth Gelena / BULGARY FILES

MAY action film palang ginagawa ang kapareha ni Coco Martin sa Ang Probinsyano na si Yassi Pressman.
Ayon sa actress, hindi pa natatapos ang movie dahil sa busy sched niya. Pero nakatakda na raw nilang tapusin ang pelikula ngayong 2019. Mga foreign producers umano ang makakatrabaho niya sa action film.
“Mayroon po akong isang pelikula na binabasa, and we’re also training and meeting with the producers of Born Ready,” pagbabahagi ni Yassi.
Naudlot lang daw ang pagsu-shoot nila dahil sa sobrang busy niya sa Ang Probinsyano.
Sambit pa ni Yassi, “Mayroon po kaming ginawang trailer a year ago, they’re all foreign. So, kung matutuloy po, magsu-shoot po kami sa Tondo. Lock-in kami roon hanggang matapos ang movie, hopefully this year.”
Malaki ang naitulong ng Ang Probinsyano kay Yassi dahil nagningning ang kanyang pangalan bilang si Alyana, ang misis ni Coco a.k.a Cardo Dalisay sa nasabing longest-running teleserye ng Kapamilya Network.





Comments