Kelot nagbigti sa trabaho

PATAY na nang matagpuan ang bakery helper makaraang magbigti sa bahay ng kanyang amo sa Sta. Mesa, Manila.
Kinilala ni PSSgt. Jorlan Taluban, ang nasawi na si ‘Dado’, 23, stay-in helper.
Alas-9:20 ng umaga nang madiskubre nina Joey Cayote, 40, baker, Roberto Rubenia, 54, maintenance, at Danilo Buenaventura, 35, ang nakabigting biktima gamit ang nylon cord.
Huli umanong nakitang buhay ni Alberto Villarama, kasamahan sa bakery, ang biktima alas-6:00 ng umaga nang pumasok ito sa comfort room.
Wala namang sinasabing problema ang biktima sa kanyang mga kasamahan kaya hindi nila alam ang sanhi ng pagpapakamatay nito.
Tanging ang kamag-anak nito na delivery boy na palagi niyang kakuwentuhan ang posibleng nakaaalam pero, wala ito nang maganap ang pagpapakamatay ng biktima.





Comments