BNTV CUP MAY 726 ENTRIES


MATAPOS ang 10 araw na eliminations, one fourth ng kabuuan na bilang na hiwalay na eliminations na nakatakda para sa 2019 BNTV Cup 9-Stag Early-Bird Derby, hinulaan nina hosts Joey Sy at Eddie Boy Ochoa na lalampasan nila ang target na 2,000-entry na kailangan upang maabot ang layuning P10-M guaranteed cash prize sa ikinasa nilang pinaka-ambisyosong BNTV Cup, matapos makarehistro ng 726 sa ngayon.
Suportado ng Thunderbird, ang nangungunang gamefowl feeds at medicine, ang BNTV Cup na co-founded nina World Slasher Cup champion Joey Sy — isa sa endorser ng Thunderbird’s elite at partner at Eddie Boy Ochoa.
Nasa kanyang ikatlong taon ang 2019 BNTV Cup na ngayon ay may 9-stag national derby na may garantisadong cash prize na P10-M para sa mababang entry fee na P6,600 at minimum bet na P3,300 (P5,500 sa Araneta Coliseum). Tuluy-tuloy ang preliminaries ngayong Hulyo sa Texas Cockpit Arena, Antipolo, Rizal sa Imus Sports Arena, Cavite at bukas, Hulyo 31, sa Edward’s Coliseum sa Talavera, Nueva Ecija. Sa kada elimination, may araw-araw na pot money na hahatiin sa lahat ng 2 points.
Ayon sa organizer, P1-K kada entries ang ilalaan para maging pot money for the day kaya kung may 180 entries ay may P180-K pot money for the day na paghahati-hatian na may 2 puntos.
Para sa buwan ng Agosto, gaganapin ang laban sa Homapon Cockpit- Legazpi City (Aug. 2); San Pascual Cockpit, Batangas (Aug. 3); New Aringay Slasher Cockpit, La Union (Aug. 5); Bacolor Cockpit, Pampanga (Aug. 5); Silang Sports Arena, Cavite (Aug. 5); Sta. Barbara Coliseum, Pangasinan (Aug. 8); Pasig Square Garden (Aug. 8); San Juan Cockpit, Batangas (Aug. 9).
Ang 4-Stag grand finals ay magaganap sa Smart Araneta Coliseum sa Setyembre 9. (MC)





Comments