top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Batang babae nalunod sa irigasyon

Pabs Hernandez III
Jul 30, 2019
1 min read

CAGAYAN—Isang 7-taong gulang na batang babae ang namatay nang malunod kamakalawa sa irigasyon ng Bgy. Battalan, Lasam.

Ang biktima ay kinilalang si Divina Atanacio, nakatira sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, ilang kamag-anak ng biktima ang nakatagpo sa bangkay nito na nakalutang sa irigasyon ng naturang lugar.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkamatay ng biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page