top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

11 kulong sa droga at bala

Maeng Santos
Jul 30, 2019
1 min read

NASA 11 hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang isang nene ang arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Navotas City.

Ayon kay Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas, alas-9:40 ng gabi nang masakote ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Eric Rozas sa surveillance operation sa Bgy. Tangos North sina Gieson Santos, 34; Reynante Ereño, 40; Victoria dela Cruz, 56, habang na-rescue naman ang 11-anyos na nene at nasamsam sa mga suspek ang apat na sachets ng shabu.

Nauna rito, alas-8:15 ng gabi nang masunggaban din ng mga operatiba sina Edwina Mortalla, 44, at Aiza Pepito, 22, sa buy-bust operation sa Bgy. NBBN. Narekober ang limang sachets ng shabu at P300 buy-bust money.

Sa hiwalay na operasyon, nasakote ng NPD-DSOU sa pangunguna ni PMSg. Joel Rosales sina Ruben Ramirez, 19; Sherneslit Douglas, 28; Shullee Jabalon, 40; Nelson Cordova, 41; Noli David, 21, at Joel Cañete, 34, sa operasyon kontra iligal na pagbebenta ng bala ng baril sa Market 3. Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang bala ng 12-gauge shotgun na ibinenta sa police poseur-buyer kapalit ng P250 at 26 sachets ng shabu na tinatayang nasa P13,000 ang halaga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page