top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

UNANG SAMPA SA LIDERATO, ASINTA NG TIP SA D-LEAGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 29, 2019
1 min read

IKALAWANG sunod na panalo na magluluklok sa kanila sa maagang pamumuno ang pupuntiryahin ng Technological Institute of the Philippines para sa Group A sa pagtutuos nila ng baguhang Hyperwash ngayong hapon sa 2019 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Aasintahin ng Engineers ang kanilang pangalawang panalo kasunod ng kanilang 37-puntos na paggapi sa McDavid-La Salle Araneta, 108-81, sa nakaraang confe­rence opener noong Huwebes sa pagsalang nila sa tam­pok na laban ngayong alas-5:30 ng hapon.

Inaasahang muling pangungunahan ang TIP ni Senegalese big man Papa Ndiaye kasama ng mga locals na sina Bryan Santos at Ivan Santos. “We’re going to prepare really well, though marami pang kailangang ayusin sa mga patterns namin,” pahayag ni TIP head coach Potit De Vera.

Nakatakdang harapin ng Engineers ang Vipers squad na pangungunahan ng mga dating pro na sina Jeric Fortuna at Ryan Buenafe at gagabayan ng head coach na si Joel Palapal.

Sa iba pang mga laban, magsisikap makabawi ang McDavid-La Salle Araneta na nakalasap ng unang ka­biguan sa salpukan nila ng kapwa baguhang Italiano’s Homme sa ikalawang laro ganap na alas-3:30 ng hapon.

Magtutunggali naman sa pambungad na laro ganap na alas-1:30 ng hapon ang dalawa pang baguhang teams na Hazchem at Nailtalk-Savio. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page