Sey mo, Gerald? HIRIT NI EJAY: 'PAG PAULIT-ULIT NANG GINAGAWA ANG PANLOLOKO, KASALANAN NA '
- BULGAR

- Jul 29, 2019
- 2 min read

NAKAUSAP namin si Ejay Falcon after ng launching nila bilang Beautederm endorsers.
Happy ang aktor na soon ay mapapanood na siyang muli dahil balik-Kapamilya teleserye na siya via Sandugo, kung saan magiging leading ladies niya sina Jessy Mendiola at Elisse Joson.
Wow, parehong maganda at sexy ang dalawang leading ladies niya, hindi kaya madaling matukso o ma-fall si Ejay sa kanyang mga nakakapareha? Alam naman ng lahat at open ang aktor na matagal na niyang karelasyon ang dating StarStruck star na si Jana Roxas.
Sabi ni Ejay, “Ah, siguro, ‘pag wala akong girlfriend, posible, kasi lagi mong kasama, eh. Pero kung kasama mo naman (ang GF mo), ‘di ba?”
So, paano naiiwasan ang ma-fall sa leading lady?
Natawa si Ejay at ang sabi, “Baka saan mapunta ‘yan, ha?”
Dugtong niya, para maiwasan ang tukso, dapat daw, kahit nasa taping, lagi pa ring kausap ang karelasyon at hindi dapat mawala ang communication at tiwala sa isa’t isa. Lalo na ngayong uso naman na ang video call, wala nang dahilan para basta na lang hindi magparamdam sa taong mahal mo.
Hello... #ghosting! Charot!
Tinanong namin si Ejay kung sa palagay ba niya, nasa lalaki talaga ang problema kapag natutukso pa sa iba kahit may karelasyon na o naniniwala siyang “it takes two to tango”?
Sagot niya, “Walang manlalandi kung walang magpapalandi!”
Naku, ha, statement ‘yan lalo’t controversial pa naman ngayon ang love triangle nina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto.
Asked namin si Ejay ng hypothetical question. What if i-two-time ang kaibigan niyang babae ng BF nito, ipagtatanggol ba niya?
“Siguro, nandu’n ako sa kaibigan ko para i-comfort siya pero hindi na ako makikisawsaw sa gulo kasi hindi rin naman natin alam ‘yung kuwento ng lalaki, sa part niya. Hindi natin alam ‘yung buong kuwento, so hindi na ako para sumawsaw pa, para gatungan.”
Aaaaay!!! Sey mo, Paulo Avelino?
Oh, ‘di ba, naging controversial ang tweet ni Paulo na “#ghosting” na tipong patutsada niya kay Gerald Anderson dahil sa ginawa sa kaibigan niyang si Bea Alonzo?
Pero teka, sunod naming question kay Ejay, what if namang ‘yung lalaking ‘nag-two-time’ ang kaibigan niya, ano ang maipapayo niya rito?
“Siyempre, aalamin ko muna ‘yung buong kuwento. Kung siya talaga ‘yung mali, eh, ‘wag na lang niyang ulitin.”
Eh, paano kung inulit pa?
Sabi nga ni Bea, ‘di ba, “You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice?”
Game na sagot ni Ejay, “Kung inuulit-ulit pa rin, choice na niya ‘yun at kasalanan na niya.”
‘Yun na!
Pero nang diretsahan namang matanong si Ejay kung isa ba siya sa mga sumusuporta kay Bea Alonzo dahil sa lumabas na picture na magkakasama sila sa trade launch ng ABS-CBN, nilinaw ng aktor na hindi naman sila super close ni Bea. Nandu’n lang daw siya dahil isa nga ang Sandugo sa mga bagong teleserye ng network na ipinakilala sa trade launch.
Nakatrabaho na raw ni Ejay si Bea, habang nakakalaro naman niya si Gerald sa basketball, pero hindi raw sila nagkakausap about personal matters kaya ayaw makisawsaw ni Ejay sa controversial issue ngayon sa showbiz.





Comments