Niyanig ng Magnitude 5.4 at 5.9 | P40 Milyon para sa Batanes — Duterte
- Mylene Alfonso
- Jul 29, 2019
- 1 min read

INIANUNSIYO kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay siya ng P40 milyon para sa mga biktima ng magkasunod na lindol na tumama sa Batanes.
Ito ang inihayag ng pangulo sa isinagawang situation briefing ng mga lokal na opisyal sa Basco, Batanes kung saan magbibigay din siya ng pondo na ilalaan para sa pagpapagawa ng mga nawasak na ospital.
“I’ll give you the P40 million. I hope you put it to good use,” ani P-Duterte kasabay ng bilin sa mga local official na magpagawa ng isang clinic sa lalong madaling panahon habang ginagawa ang bagong ospital.
Kakausapin din ng pangulo ang Philippine Coast Guard na magpatrulya sa Batanes Island upang matiyak na nananatili sa atin ang mga naturang isla.
“Just to assure that those islands will remain ours, kasi mahirap na ngayon,” ani P-Duterte.
Matatandaang, niyanig ng magkasunod na Magnitude 5.4 at 5.9 ang Batanes.
Nasa limang bayan ng Itbayat ang matinding napinsala ng lindol ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.





Comments