top of page
Pokwang.jpg

Maglola, dedbol sa kotse

Jeff Tumbado
Jul 29, 2019
1 min read

PATAY ang 83-anyos na lola at kanyang apo makara­ang masagasaan ng kotse sa Minglanilla, Cebu.

Kinilala ang maglola na si Rufina Cuda at 18-anyos na si Bea Lyka Cuda.

Ayon kay Police Master Sergeant Junyl Aber, dead-on-the-spot si Rufina ha­bang sa ospital naman binawian ng buhay si Bea Lyka sanhi ng grabeng pinsala sa kani-kanilang katawan.

Naganap ang insidente sa bahagi ng national highway sa Bgy. Poblacion Ward Dos pasado ala-1:00 ng mada­ling-araw kahapon.

Lulan ang mga biktima sa tricycle patungo sa Cebu City nang salpukin ng kotse mula sa kanilang likuran.

Malubha namang na­sugatan ang 34-anyos na driver na si Ronito Bacalso matapos tumilapon.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dri­ver ng kotse na nakasagasa sa mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page