top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Low interest na pautang ng DTI, meron sa PCUP caravan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 29, 2019
2 min read

NAGSISILBING tulay ng maralita ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa mga nangangailangan ng direktang serbisyo ng pamahalaan tulad ng medical services, livelihood at employment opportunities at iba pa sa pamamagitan ng tatlong priority programs nito na PCUP Caravan, Adopt-an-Urban-Poor Community at Urban Poor Privilege Card.

Bagama’t, maliit lamang ang pondo ng ating tanggapan, hindi ito hadlang upang makapagbigay tayo ng access sa mga programa ng gobyerno na maaaring pakinabangan ng ating mga kababayan.

Tanong: Magandang araw! Nais kong malaman kung nagbibigay ba kayo ng puhunan sa mga maliliit na negosyante? Balak ko sanang palaguin ang negosyo ko. Ayoko namang manghiram sa 5-6 kasi ang taas ng interest. — Josephine

Sagot

Magandang araw din sa inyo! Ikinalulungkot natin na hindi nagbibigay ang PCUP ng pinansiyal na tulong para sa livelihood, ngunit, kayo ay maaaring matulungan na mailapit sa ahensiyang nagbibigay nito tulad ng Department of Trade and Industry (DTI).

May programang pautang ang DTI na tinatawag na ‘Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso’ (P3) na nagpapahiram sa mga tulad ninyong nais magpalago ng hanapbuhay.

Maaari kayong makahiram ng P5,000 hanggang P200, 000 depende sa laki ng inyong negosyo at kakayahan sa pagbayad. Kumpara sa mataas na interest sa 5-6, 2.5% lang kada buwan ang interest ng inyong uutangin.

Madali lamang ang requirements: Kumpletong application form, business permit, DTI business name registration para sa loan na mahigit P50, 000, photocopy ng government-issued I.D. at I.D. picture.

Para makapag-apply, puwede kayong lumapit sa mga partner ng DTI na micro-finance institutions o credit delivery partners ng Small Business Corporation o lumapit sa DTI Negosyo Center malapit sa inyong lugar.

Tuwing caravan din ng PCUP, isinasama natin ang DTI at maaari kayong sumangguni roon. Naroon din ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa iba pang livelihood opportunities. Kung malapit kayo sa Navotas ngayong Agosto 7, puwede kayong pumunta sa booth ng DTI sa ating caravan.

Kung kayo ay mayroong katanungan, suhestiyon o ihihingi ng tulong, maaari kayong magtungo o sumulat sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City o mag-email sa pcup.media2019@gmail.com o mag-message sa ating Facebook page na @PCUPOfficial.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page