Lola pisak sa trak

NASAWI ang 79-anyos na lola matapos mabundol at magulungan ng trailer truck habang tumatawid sa Caloocan City.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo si Gloria Mendoza, ng 5th Avenue. Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng Isuzo trailer truck CO-8458 na si Jessie Eusebio, 41, ng Pasig City.
Alas-12:15 ng tanghali, tumatawid ang biktima sa kahabaan ng C-3 Road corner Baltazar St., Bgy. 49 nang mabangga ito ng trak na may mga kargang steel bar na minamaneho ni Eusebio.
Pagbagsak ng biktima, nagulungan pa ang ulo nito na nagresulta ng kanyang kamatayan habang sumuko naman sa pulisya si Eusebio matapos ang insidente.





Comments