Lebel ng tubig sa angat dam, tumaas
V. Reyes
Jul 29, 2019
1 min read

PATULOY ang pag-angat ng lebel ng tubig sa Angat Dam dahil sa sunud-sunod na pag-ulan.
Mula sa 161.46 meters, tumaas ito ng halos isang metro at naging 162.40 meters.
Nadagdagan din ang mga tubig sa La Mesa Dam mula 73.96 meters ay naging 73.93 meters habang ang Ipo Dam ay naging 100.66 meters mula 100.65 meters.
Tumaas din ang tubig sa Ambuklao, Binga, Magat at Kaliraya Dams.
Gayunman, mababa pa rin ang tubig sa San Roque at Pantabangan Dams.





Comments