Kontraktuwal, may benepisyo — DOH | wanted: 26,000 health workers

HIGIT 26,000 posisyon ang binuksan ng Department of Health (DOH) para sa community health workers.
Sa inaprubahang budget para sa deployment program ng DOH, 26,035 na kontraktuwal na posisyon ang binuksan ng ahensiya para sa health workers.
Kasama sa posisyong maaaring aplayan ay doktor, dentista, nurse, medical technologist, nutritionist-dietitian, pharmacist, physical therapist at midwife.
Ayon kay Kenneth Ronquillo, direktor ng Health Human Resource Development Bureau ng DOH, kahit kontraktuwal ang posisyon, makatatanggap umano ang mga manggagawa ng benepisyo tulad sa regular na empleyado ng gobyerno.
Ayon sa DOH, isang taon ang kontrata na ire-renew din base sa performance ng manggagawa.
Tutol naman sa uri ng employment na ito ang Alliance of Health Workers.
“Kung tuluy-tuloy itong offer ng ating gobyerno na pag-offer ng contractualization ng health workers, talagang aalis ang ating health workers,” ani Alliance of Health Workers National President Robert Mendoza.
Ayon naman sa DOH, may proseso ang pag-apruba ng mga regular na posisyon.





Comments