top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit anak pa siya ni general, 'no! AKTRES, NAPURI LANG SA KABIT ROLE, FEELING BIG-STAR, NAG-OB

  • Erlida Rapadas
  • Jul 29, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

HINDI nagsasalita ngayon ang isang aktres, pero agad-agad ay nag-feeling big star ito dahil sa mga papuri sa kanyang pagganap noon sa isang top-rated serye.

Akala niya, ganu’n na talaga siya kasikat dahil kilalang-kilala na ng mga televiewers ang kanyang role na ginam­panan sa serye. Nakalimutan niya na ang nagdala sa show ay ang bidang babae at lalaki na magagaling nang umar­te, eh, pareho pang sikat. Premyado rin ang kanilang direktor kaya lumutang ang kanyang role bilang kabit sa serye.

Ang aga-aga niyang nalunod sa isang baso ng tagum­pay. Nang alukin siya ng kalabang network na lumipat sa kanila at iwanan ang kanyang home studio, eh, agad na nasilaw at nag-ilusyon ang aktres na makatrabaho ang mga sikat na aktor ng nilipatang network.

Buong-ningning niyang inakala na pagbibidahin siya sa ilang shows na kanyang gagawin. Pero ang ending, kasama lang siya sa cast at hindi siya ang bida dahil ang sikat na aktres ng nilipatang network ang bida sa serye. At ang masakit pa, ang long-time boyfriend niya ay nawala rin sa kanya.

Kung hindi sana nagmamadali ang feeling-sikat na aktres, maaaring lead role na ang ibinigay sa kanya ng ini­wanang network.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page