BRYANT, GUMAGAWA NG LIBRO; HOLLOWAY, UFC F’WEIGHT CHAMP

PAGLALATHALA ng aklat ang pinagkakaabalahan ngayon ni dating NBA star Kobe Bryant.
Inanunsiyo niya sa kanyang social media ang bagong young adult novels na may titulong “Epoca: The Tree of Ecof”. Ito ang isa sa dalawang kuwento na ilalabas ng multimedia company na Granity Studios. Tungkol ito sa isang batang babae na tennis prodigy na nais masagip ang isang magical kingdom. Dalawang bata rin ang tatalakayin sa ikalawa niyang aklat.
Samantala, napanatili ni Max Holloway ang kanyang World Featherweight Title laban kay dating Lightweight Champ Frankie Edgar via unanimous decision kahapon sa kanilang 145-pound title fight sa UFC 240 sa Edmonton, Canada.
Ipinakita ni Holloway (21-4) ang ‘well-rounded game’ sa bisa ng pagkuha nito ng 48-47, 49-46 at 50-45 sa judges score card kung saan ipinamalas niya ang husay sa takedowns, strikes,leg kicks at jabs sa loob ng 5 rounds.





Comments