Wanted na rapist nasakote
Pabs Hernandez III
Jul 28, 2019
1 min read
BATAAN — Isang wanted na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Mariveles.
Ang suspek ay nakilalang si Eliseo Arandia. Nabatid na inaresto ng pulisya si Arandia sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin ng mga awtoridad sa naturang bayan.





Comments