top of page
Pokwang.jpg

Sinaktan at inismol na, siya pa ang nag-sorry

ROMA AMOR
Jul 28, 2019
1 min read

Dear Roma,

Tawagin na lang ninyo akong Jana. Su­mu­lat ako sa inyo dahil pakiramdam ko ay loser ako. Hindi ko maintin­dihan kung bakit palagi na lang akong naka­raramdam ng guilt sa tuwing may taong nang­hahamak sa akin. ‘Yung sa isang sorry lang nila, napapatawad ko kaagad sila. Bakit sa tuwing may nanghahamak sa akin, pakiramdam ko, ako ‘yung dapat mag-sorry? Weak ba ako? — Jana

Jana,

Una sa lahat, hanga kami sa kababaan ng loob mo. Alam mo, napa­ka­raming tao na walang ka­payapaan ang kalooban dahil may mabigat silang dinadala sa puso nila — galit, poot at sakit ng ka­hapon. Ang pagiging ma­pagpatawad, paghi­ngi ng sorry at pagkalimot sa bawat mali ng ibang tao ay hindi kahinaan kundi ka­lakasan. Hindi ka weak at lalong hindi ka loser. Sumasalamin lang ito sa pagiging dalisay ng puso mo, kaya huwag kang magbabago. God bless sa iyo!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page