top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

P-Digong, gustong mag-resign, ayaw namang magpa-impeach, ngek!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2019
  • 2 min read

P-DUTERTE, GUSTO NA RAW MAG-RESIGN, PERO NAGALIT SA MGA MAGPAPA-IMPEACH SA KANYA — Madalas sabihin ni P-Du­terte na nais na niyang mag-resign sa puwesto dahil pagod na raw siya sa pagiging pangulo at kahit sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ay sinabi rin niyang gusto na niyang bumaba sa posisyon.

Ang mga sinabing ito ni P-Duterte ay maituturing na ‘joke,’ kasi nang sabihin ng kanyang mga kritiko na impeachable ang pagpayag niyang mangisda sa dagat ng Pilipinas ang mga Chinese ay nagalit siya at nagbantang ipahuhuli raw ang sinumang magpapa-impeach sa kanya.

‘Ika nga, kung totoong nais na niyang bumaba sa puwesto, dapat ikatuwa pa niyang ma-impeach siya.

Pero ang siste, nagalit pa siya sa mga nagnanais na tanggalin siya sa posisyon sa pamamagitan ng impeachment, boom!

◘◘◘

KUNG MAY MGA NATUWA SA PAGPAPALIBAN NG BGY. AT SK ELECTIONS, MAY MGA LULUGU-LUGO RIN — Sa kanyang SONA, isa sa mga inihirit ni P-Duterte sa mga mam­ba­batas ay ipagpaliban ang barangay at SK Elections next year.

Dahil d’yan ay tiyak na naglulundag sa tuwa ang mga incumbent barangay at SK official at siyempre, lulugu-lugo naman ang mga nagnanais kumandidato sa pagka-chairman, kagawad at SK positions, period!

◘◘◘

BAD NA ISANGKALAN NI SEN. PACQUIAO ANG DIYOS SA PAG­KITIL SA BUHAY NG TAO — Sabi ni Sen. Manny Pacquiao, kaya niya suporta­do ang death penalty ay dahil kahit daw ang Diyos ay sinentensiyahan ng kamata­yan.

Itong si Sen. Pacquiao, pastor pa na­man, pero napaka-bad ng kanyang dahi­lan na pati ang Diyos ay isinasangkalan para lang masunod ang kagustuhan ni P-Duterte na kumitil ng buhay ng tao, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

DAPAT LANG NA ISAMA SA DEATH PENALTY ANG MGA NAGTATA­NIM NG EBIDENSIYA — Sa usapin ng death penalty, sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na dapat daw isama sa mga hapan ng parusang ka­matayan ang mga pulis na nagtatanim ng ebidensiya sa kani­lang mga hinuhuli at napapatay sa “shoot­out”.

Kung pagbabasehan ang data ng Commission on Human Rights (CHR), karamihan daw sa mga napatay sa drug war ay ang mga inosenteng mamamayan na tinaniman lang diumano ng ebidensiya (shabu) ng mga parak, kaya dapat lang talagang isama sa death penalty ang mga awtoridad na nagtatanim ng ebidensiya, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page