Malinaw ayon sa palad... lalaking nakatakdang magkaroon ng GF sa katauhan ng aries
- BULGAR

- Jul 28, 2019
- 2 min read

KATANUNGAN
Bakit kaya kahit marami akong nililigawan ay wala pa rin akong mapasagot? Sa aming magkakaibigan at magkakabarkada, ako na lang ang walang girlfriend.
Sana, malaman ko sa pamamagitan ng aking mga palad kung kailan ako magkaka-girlfriend kasi sa August 16 ay 25 na ako at gustung-gusto ko ng magka-girlfriend, pero parang malabo ng mangyari.
KASAGUTAN
Ang birth date mong 16 o 7 (1+6=7) ay nagpapahiwatig na medyo mahina ang loob mo at wala kang gaanong tiwala sa iyong sarili na nagiging hadlang upang ikaw ay magka-girlfriend.
Ang pinakamaganda mong dapat gawin ay mag-practice o magsanay kang makipagkaibigan o makipagkuwentuhan man lang kahit kaninong babae.
Puwedeng magsimula ka sa mga pinsang buo mo na kaedad mo o sa mga kaklase mo. Kahit hindi mo sila nililigawan, basta makipagkuwentuhan ka lang upang masanay ka na makipag-usap sa mga babae.
Kapag sanay ka ng makipag-usap sa mga babae at hindi ka na nahihiya kapag kasama mo sila, sigurado ang magaganap dahil may hitsura ka, madali ka ng magkakanobya dahil kusa kang magugustuhan ng mga babae.
Kaya, tulad ng nasabi na, basta makipagkaibigan ka lang sa mga babae kahit hindi mo ligawan, sa bandang huli, may babae ring magkakagusto sa iyo. Ito ang nais sabihin ng kaisa-isang mahaba at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na ang unang magiging girlfriend mo dahil na rin sa iyong kasabikan, ang siya na ring mapapangasawa mo at makakasama, habambuhay na madali namang kinumpirma nang wala ring bilog, maganda at maayos na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa mga taong minsang umibig at magmahal, ang relasyong mapapasukan nila ay magiging maligaya at panghabambuhay na.
KASAGUTAN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Gerald, sa sandaling sinunod mo ang mga simpleng rekomendasyong inilahad na sa itaas, tiyak ang magaganap, hindi matatapos ang 2019, sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre, sa edad mong 25 pataas, magkaka-girlfriend ka na rin sa wakas hatid ng babaeng nagtataglay ng zodiac sign na Aries.




Comments