Lending collector, ninakawan, pinatay ng 2 armado
- Pabs Hernandez III
- Jul 28, 2019
- 1 min read
AKLAN — Isang lending collector ang napatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Pampango, Libacao.
Ang biktima ay nakilalang si John Rey Modera, nakatira sa Bgy. Anabo, Lemery, Iloilo.
Ayon sa ulat, hinarang at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga suspek si Modera at pagkaraan ay tinangay ang bag ng biktima na naglalaman umano ng hindi pa mabatid na halaga ng pera.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.





Comments