Kulang sa tubig, dahilan ng pagsaskit ng muscles
- BULGAR

- Jul 28, 2019
- 1 min read
Dear Doc. Shane,
Ako ay nakararanas ng muscle spasm lalo na kapag naligo ako nang pagod. Sadya bang nakukuha ito kapag pagod ang katawan at pagkatapos ay bigla tayong naliligo? Maaari ba ninyong talakayin ang tungkol dito? — Albert
Sagot
Ang muscle spasm ay isang karamdaman kung saan ang mga kasu-kasuan at kalamnan ay nakararanas ng pagkirot o hindi komportableng pakiramdam. Ayon sa pag-aaral, kadalasang dahilan ng muscle spasm ng kalamnan ay ang kakulangan ng tubig (dehydration) at electrolytes sa katawan. Ito ay maaaring dahil sa pagkapagod o sobrang pagtatrabaho ng mga kalamnan. Maaaring dulot ito ng ibang sakit tulad ng myotonia o kakulangan sa ilang enzymes ng katawan. Ayon sa klasikong paniniwala, ito ay konektado sa biglaang pagbabago ng temperatura sa paligid ng kalamnan.
Halimbawa, kung nagtrabaho nang matagal at biglaang babasain ng malamig na tubig ang bahagi ng kalamnan na napagod, mararanasan ang pagkapasma. Bagaman, ang paniniwalang ito ay hindi suportado ng siyentipikong pag-aaral.
Ayon kay Propesor Michael Tan ng UP, ang muscle spasm ay maaaring paraan ng katawan upang ipahiwatig na nasosobrahan na ito sa trabaho. Ito ay maaaring maranasan ng sinuman. Wala itong pinipiling edad o kasarian.





Comments