Isinakay sa tricycle, dinala sa bakanteng lote | Bebot nireyp ng 2
- Levi Gonzales
- Jul 28, 2019
- 1 min read

TINANGAY saka hinalay ng dalawang lalaki ang isang dalaga sa Bgy. Maslun, Liliw, Laguna. Ayon sa biktimang si alyas Alexa, pasado alas-5:00 ng madaling-araw, hinihintay niya ang ilang mga kaibigan sa lugar.
Hanggang sa dumating ang tricycle at bumaba ang mga suspek na sina John Mark Borgonia at Joel Panaglima, kapwa nasa hustong gulang.
Agad umano siyang hinawakan sa katawan at pinagtulungang isakay sa tricycle.
Dinala siya ng mga suspek sa Bgy. Kanlurang Bakal saka kinaladkad sa bakanteng lote kung saan siya pinagsamantalahan.
Sa agarang aksiyon ng kapulisan sa lugar, agad nasakote si John Mark habang patuloy ang pagtugis kay Joel.





Comments