After i-enjoy nang 3 yrs., Julia… GERALD, WALANG SABI-SABI, BIGLA NA LANG IBINASURA SI BEA
- BULGAR

- Jul 28, 2019
- 2 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

NAGSALITA na si Bea Alonzo sa breakup nila ni Gerald Anderson.
Ayon sa magandang aktres, “Honestly, to my understanding, we did not break-up. He just started not talking to me.”
Very supportive naman ang mga fans ni Bea at binibigyan pa siya ng advice.
Sabi ng isang netizen, “Is she that dense? Clearly, she needs to take a lesson on dating. When the guy stops talking to you, he is just not that into you. And way to go for getting his attention. A way to a man’s heart is to have a socmed meltdown. SMH.”
“I didn’t see a meltdown. I saw a class act responding to questions with grace even if the “news” surprised and hurt her. And who said she wants to be on the way back to Gerald’s heart?! After what he did, you think that should be her concern?”
Halos tatlong taon ang naging relasyon nina Bea at Gerald. Sana raw ay nagbigay-respeto man lang ang aktor sa girlfriend na kung ayaw na nito sa kanya ay nagsabi man lang ito ng “Tapos na tayo.”
Ayon kay Bea, tuloy lang ang trabaho niya sa kabila ng bigat na kanyang dinadala ngayon.
“Feeling ko, pinalaki naman ako ng ABS-CBN na professional so I always have to show up regardless of whatever’s happening in my life,” sabi ng aktres sa ginanap na story conference ng kanyang upcoming Kapamilya serye.
Ayon pa sa aktress, “I’m moving forward. But siyempre, ‘di naman ako puwedeng magpakaipokrita.”
Pinasasalamatan din niya ang mga taong nagmamahal sa kanya. Hindi raw niya inaasahan na marami siyang kaibigan sa showbiz na nagmamahal sa kanya. Malaking bagay daw ‘yun na maraming nagke-care sa kanya, mga nagpapadala ng flowers at mga nagte-text.
Ang iba namang celebrities na sina Angel Locsin, Angelica Panganiban at Loisa Andalio ay in-unfollow na si Julia Barretto, ang sinasabing ‘babaeng ahas’ na tumuklaw kay Bea.





Comments