top of page
Pokwang.jpg

3 pekeng dentista, buking

Gina Pleñago
Jul 28, 2019
1 min read

DINAKIP ang dalawa sa tatlong umano’y pekeng dentista sa ikinasang entrapment operation ng operatiba sa Taguig City, kahapon.

Nasa Southern Police District (SPD) headquarters ang mga suspek na sina Conrado Ganaban alyas BJ, 57, biyudo, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik, ng Bgy. Ususan, Taguig City at Jonathan Boquiren alyas Athan, 31, binata, freelance air conditioner installer, ng Bgy. Rizal, Makati City habang nakatakas naman ang kanilang kasabwat na si alyas Saroy.

Ayon sa ulat ng SPD, nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) sa pangunguna ni PEMS Julius Perez kasama ang mga kinatawan ng Philippine Dental Association, laban sa tatlong suspek sa bahay ni Ganaban, alas-10:15 ng umaga.Nagpanggap na customer ang isang pulis para sa serbisyo ng mga suspek na nagsagawa ng aktuwal na illegal dental practice nang walang lisensiya at hindi awtorisado na mag-operate.Pag-abot ng bayad, agad inaresto ng mga pulis ang dalawang suspek habang nakatakas naman si ‘Saroy’.

Narekober sa mga suspek ang dental equipment/tools, supplies at iba pang dental accessories.Nag-ugat ang operasyon nang magtungo sa tanggapan ng DID/D2 ang isang walk-in informant upang iulat ang umano’y illegal dental practice ng pekeng dentista dahilan ng ikinasang beripikasyon, casing at surveillance ng DSOU laban sa mga suspek.

Naghain si Dr. Art Kevin de Leon ng PDA ng paglabag sa Philippine Dental Association Act of 2007, Section 33 (RA 9484) laban sa dalawang naarestong suspek.

Nagsasagawa na rin ng follow-up operation ang awtoridad para sa ikadarakip ni ‘Saroy’.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page