top of page

‘Di lang pantaboy sa aswang, mga momshie... bawang, mabisang gamot sa sumasakit na tainga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2019
  • 2 min read

KILALA ang bawang bilang rekado sa mga pagkain, gayundin, bilang sangkap ng ilang home remedies. Ayon sa mga eks­perto, ang bawang ay mabisa ring pantanggal ng “ear ache” lalo na kung gagawin itong garlic oil eardrops dahil sa iba’t ibang properties nito. Paano ba naging epektibong panggamot ng ear ache ang bawang? Hmmm…

Kabilang sa mga benepisyo nito ang antiviral, antibacterial at antifungal properties. Gayundin, mayroon itong anti-inflammatory at pain-relieving properties. Kapag kinain ito, maaaring ma-boost ang immune system kung saan kaya nang labanan ang impeksiyon sa katawan ng indibidwal.

Ang pag-a-apply ng bawang ay nakababawas sa sakit na ibinibigay ng ear ache. Ayon sa pag-aaral na isinagawa sa 103 bata na mayroong ear pain mula sa middle ear infections, ang naturopathic eardrops na may garlic at iba pang herbal ingredients ay kasing epektibo ng over-the-counter (OTC) eardrops.

Gayunman, sa iba pang pag-aaral hinggil sa natu­ropathic eardrops kung saan 171 kabataan ang may ear pain, napag-alaman ng mga researcher na ang paggamit ng DIY (do-it-yourself) eardrops ay mas epektibo kaysa sa anesthetic eardrops.

Para gamitin ito bilang remedy sa ear issues, inire­rekomenda ng mga eksperto ang garlic oil eardrops kung saan maaari itong mabili o kung walang budget, eh, puwede ring gawin sa bahay.

Kailangan mo lang ng 1 clove ng bawang, 2-4 tbsps. ng olive oil, maliit na kawali, maliit na bote at dropper.

Upang gawin ito, balatan ang garlic clove at durugin, tapos, paghaluin ang olive oil at bawang sa kawali at painitin sa low heat. Pagkatapos nito, haluin ang oil hanggang sa lumabas ang amoy ng bawang at saka ito palamigin. Kapag luma­mig na, puwede nang ilipat sa jar ang oil at tang­galin na ang garlic cloves.

Samantala, kung sakaling makaramdam kayo ng pananakit ng mga tainga, maglagay lamang ng dalawa hanggang tatlong patak sa apektadong tainga at takpan ito ng bulak para hindi tumulo ang oil. Dapat manatiling nakatagilid ang ginagamot na tainga sa loob ng 10 hanggang 15 minuto.

Bukod pa rito, puwedeng ibabad ang bulak sa oil at saka ilagay sa apektadong tainga.

Mga mamshie, kapag nakaranas ng ear ache si bagets, make sure na susubukan ninyo ito. Bukod sa napakadali nitong gawin, makatitipid pa kayo. Share n’yo rin ito sa iba, ha?

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page