top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Transgenders, libre nang mag-CR kahit saan…‘bathroom bill’, aprub!

Jersey Sanchez
Jul 27, 2019
1 min read

MAAARI nang gamitin ng mga transgender sa North Carolina ang kahit anong pampublikong palikuran na kanilang nais sa state-run buildings matapos aprubahan ng US court ang Bathroom Bill.

Ang pag-apruba sa naturang batas ay nagsilbing katapusan ng halos tatlong taon na pakikipaglaban ng mga transgender sa kanilang karapatan na gumamit ng palikuran base sa kanilang gender identity.

Ito ay matapos pairalin ang 2016 North Carolina Law o House Bill 2 kung saan inaatasan ang mga transgender na gumamit ng banyo base sa kanilang kasarian na nakasaad sa kanilang birth certificate.

Ayon kay Irene Como, acting legal director ng American Civil Liberties Union (ACLU), nilalabag ng 2016 North Carolina Law ang rights to equal protection ng bawat mamamayan na nasa ilalim ng U.S Constitution.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page