Sa show unang nagsimula bilang aktres… JULIA MONTES, SUPER-LUNGKOT NA TSUGI NA ANG GOIN' BULILIT
- BULGAR

- Jul 27, 2019
- 1 min read

BINASAG muli ni Julia Montes ang kanyang katahimikan sa social media nang mag-post siya kahapon ng pamamaalam sa Goin’ Bulilit, ang programang kanyang pinagsimulaan noong siya ay “bulilit” pa.
Dahil nga magsasara na ang longest-running kiddie gag show matapos ang 14 taong pamamayagpag sa ere, nagbalik-tanaw ang aktres ng kanyang mga alaala sa nasabing show sa pamamagitan ng pagpo-post ng lumang larawan nila noong maliliit pa.
You could tell sa caption ni Julia ang lungkot at pagiging emosyonal niya habang nagbabalik-tanaw.
“#KwentongBulilit samahang hindi mo makakalimutan... Dito ako nagsimulang mangarap, nabigyan ng pamilya at mabigyan ng pagkakataon....
“Utang ko sa show na ito ang lahat lalung-lalo na sa Mortiz family... Ang unang pamilyang tumanggap kay “Mara” on and off cam..
“Ang batang wala namang bibo skills at mahiyain pero tinayaan ng aming tatay na si Direk Bobot...
“Maraming memories sa show na ‘to na hindi mapapantayan... Maraming nabuong pangarap, maraming lesson na hindi malilimutan...
“‘Wag po nating kalimutang manood ng 2 huling linggo...” ang caption ni Julia.
Nagpahayag naman ang mga netizens ng pagka-miss sa kanya sa showbiz kabilang na ang artistang si Melissa Mendez.





Comments