Rider dedbol sa bus
KIDAPAWAN CITY—Isang rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng pampasaherong bus ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Ninoy Aquino Road.
Kinilala ang biktima na si Elton Cagape, nakatira sa nasabing lungsod.
Nabatid na mabilis umano ang takbo ng bus na minamaneho ng hindi pinangalanang driver kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Cagape sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in
homicide ang driver ng bus.





Comments