'Pag nagbabu sa boxing… PACQUIAO, BIBILI NG NBA TEAM

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

NA-INTERVIEW ng TMZ, ang isa sa mga sikat na tabloids sa America, ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Sa interview, tinanong nila si Manny kung hanggang kailan ito lalaban sa boxing.
Ayon kay Pacquiao, hanggang 45 years old daw niya nakikita ang sarili na lumalaban sa boxing kung ang pagbabasehan ay ang kondisyon niya ngayon dahil pakiramdam niya ay malakas at bata pa siya.
Alam din ng lahat na bukod sa sports na boxing, basketball ang isa sa mga hilig ni Manny, kaya tinanong siya kung may plano ba siyang mag-invest o maging part owner ng isang NBA team kapag nagretiro na siya.
Dito sinabi ni Manny na may plano siyang bumili ng isang NBA team kapag tuluyan na siyang nag-retire sa boxing.





Comments