top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kelot pinagbabaril, itinali sa poste

Jeff Tombado
Jul 27, 2019
1 min read

INIWANG nakatali sa poste ng kuryente ang bangkay ng lalaki na nadiskubre sa tabi ng kalsada sa Bgy. Campo IV, Talisay City, Cebu.

Nakapiring, nakagapos ang mga kamay at may mga tama ng bala ng baril sa katawan nang matagpuan ito kahapon ng alas-5:00 ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si George Segue, residente ng Sitio Sombrea, Lawaan Dos.

Batay sa report, may nakasabit na karton sa kanyang katawan at may nakasulat sa salitang Cebuano na ang ibig sabihin, “tumigil na kayo tulisan, pusher, drug lord.... kung hindi, kayo na ang isusunod”.

Ayon sa pahayag ng ilang kaanak ng biktima, hindi tulisan o magnanakaw ang kanyang kapatid ngunit, inamin nilang gumagamit ito ng shabu.

Una rito, may natagpuan ding bangkay na lalaki na nakabitin sa isang tulay sa Bgy. San Isidro sa nabanggit ding lungsod.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page