DAHIL USO ANG 3X3, STREET BASKETBALL COURTS, AAYUSIN


PAGPAPAGANDA ng mga basketball courts sa kalye at pagbago sa buhay ng mga street ballers sa Metro Manila ang isa ngayon sa mga inaatupag ng batikang rapper na si Mike Swift, sa pakikipagtulungan sa organisasyong Kings of the Court | STR8.
Kilala bilang host ng Chooks-To-Go Pilipinas 3x3, si Swift mismo ang nagsabi na pagbabalik-loob ang nagtulak sa kanya upang isagawa ang inisyatibo. “To me, it’s keeping the courts clean, allow us to have a good place to play together, an environment,” ani Swift, na kilala rin sa tawag na Mr. Pinoy Hoops.
Sa tulong ng KOTC | STR8 ni founder Cholo Legisma, hindi lang napinturahan at napaganda ang mga basketball courts, nagkaroon din ng mga donasyon para sa mga apektado ng kalamidad na isa sa mga layunin ni Swift.
Nag-umpisa ang samahan ng dalawa nang malaman ni Legisma ang tungkol sa mga proyekto ni Swift sa tenement. “We partnered with Mike Swift in one of our events and we talked about the idea. Ang ginagawa kasi niya is, he is refurbishing the courts and donating old shoes or basketball attires,” ani Legisma. (MC)





Comments