top of page
Pokwang.jpg

Career patay na, Julia, idinamay pa… Gerald, durog na durog, buking na two-timer na, sinungaling pa

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 27, 2019
2 min read

PATAY!!!

Tiyak na lalong madudurog ngayon si Gerald Anderson matapos magpakatotoo ni Bea Alonzo at aminin sa isang interview ng press na sa pag­kakaalam niya, hindi sila nag-break ng Kapamilya actor bilang sagot sa sinabi raw ni Gerald sa ama ng nali-link sa kanya ngayong si Julia Barretto na si Dennis Padilla.

Unang lumabas ang balita sa PEP.ph kung saan sinabi raw ni Gerald kay Dennis nang tawagan siya nito na break na sila ni Bea at nanliligaw siya kay Julia na nakapareha niya sa pelikulang Between Maybes.

Ang diretso at kumakagat namang sagot ni Bea sa sinabi ni Gerald, “Honestly, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me.”

Awwww!

Nakoooo! Ano’ng lusot at damage control ang gagawin ngayon ng kampo ni Gerald para malinis ang pangalan nito sa isyung pinagsabay niya sina Bea at Julia?

Tsk, tsk, tsk! Kung nakalusot pa si Gerald noon nang mabalita ring tinuhog niya ang magkai­bigang Kim Chiu at Maja Salvador, mukhang nakahanap siya ng katapat sa isang “strong woman” na tulad ni Bea Alonzo.

Clap, clap, clap naman tiyak ang mga fans ni Bea at baka magpa-party pa dahil sa “simple pero rock” na resbak niya sa ex-BF (for sure, although ang aktor pa talaga ang unang nag-announce na break na sila, devah?) na ngayong si Gerald.

Hay!!! Good luck ngayon sa career ni Gerald, eh, may upcoming series pa naman yata siya sa Kapamilya Network.

Mukhang kailangan munang mag-change ng career ng aktor… magpalamig… at magpabango ng image bago siya sumalang uli sa harap ng mga camera.

For Julia Barretto naman, nangangamba rin kami at nanghihinayang sa kahihinatnan ng career niya ngayong binabansagan siyang “ahas” at mang-aagaw, lalo na nga’t nagsalita na si Bea Alonzo sa kontrobersiyal na love triangle nila, ha?

Sayang dahil nagkaroon na ng mga hit movies si Julia at tinangkilik din ang unang seryeng pinagtambalan nila ni Joshua Garcia, pero dahil kay Gerald, ayan, naging nega rin ang imahe ngayon ng anak ni Marjorie Barretto.

Hay!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page