‘Galawang Chavit’ kay Miss Catriona Gray: BETTER LUCK NEXT TIME — DIGONG
- Mylene Alfonso
- Jul 27, 2019
- 1 min read

MATAPOS mag-viral ang kanyang video na tinawag ng mga netizen na “Galawang Chavit” kay Miss Universe Catriona Gray, hindi pinalampas na biruin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Narvacan Municipal Mayor Luis ‘Chavit’ Singson.
Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Candon City bypass road sa Ilocos Sur, isa-isang ipinakilala ng pangulo ang mga panauhing- pandangal at ang huling binanggit ang pangalan ni Singson.
Ayon kay Duterte, sinabi nito na ipinanood sa kanya ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang naturang video.
“Sir, ah, you know I my — you have my deepest respect. Pero, itong si Bong sige siya pinapanood niya ‘yung gimmick mo doon sa… sabi niya, ‘Tignan mo talaga si Chavit o’. The ever… sabi ko, “huwag mong gawin ‘yan baka hindi totoo ‘yan.’ Totoong patulug-tulog siya pero… well, wala akong… we do not have that kind of opportunity to be… ikaw ‘yun, sir, ang palagi, eh. So, we can only say good luck and may the next mission be accomplished,” biro ng pangulo kay Singson.
Sa naturang video, kapwa nakaupo sina Catriona at Singson.
Tila antok si Singson at masasandal na ang kanyang ulo sa balikat ni Catriona.
Gayunman, napatingin si Catriona at biglang naalimpungatan si Singson kaya hindi naisandal ang kanyang ulo sa balikat ng Miss Universe.





Comments