top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Niyaya sa bahay ng lalaki | grade 12 ni-rape

Maeng Santos
Jul 26, 2019
1 min read

ARESTADO ang 20-anyos na lalaki matapos ireklamo ng panghahalay sa 18-anyos na Grade 12 student sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang suspek na si Luis David Natallo na inaresto nina P/Cpl. Reysie Peñaranda at P/Cpl. Ronnie Miguel sa kanyang bahay sa Bgy. San Roque, alas-4:00 ng hapon matapos ang isinampang reklamo ng biktima na itinago sa pangalang ‘Korina’.

Batay sa imbestigasyon, alas-4:00 ng Martes ng hapon nang imbitahan ng suspek ang biktima sa kanilang bahay na pinaunlakan naman ng dalaga.

Habang nasa loob, pinagbantaan umano ito ng suspek at hiniling sa biktima na makipagtalik.

Matapos ang panghahalay, pinayagan ng lalaki ang biktima na umuwi. Ipinagtapat naman ng biktima sa kanyang professor ang nangyari kaya sinamahan siya nito na humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page