top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Iskandalo ng aktres kay Gerald, yakang-yaka raw… JOSHUA, UMAMING TAKOT KAY JULIA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 26, 2019
  • 1 min read

KUNG marami ang bumilib sa suportang ibinigay ni Joshua Garcia kay Julia Bar­­retto kung saan ipinost pa ng ak­tres sa kanyang Instagran stories ang mensahe ng ex-boyfriend na malalag­pasan ni Julia ang pinagdaraanan nito dahil ma­tapang itong babae at kahit siya ay takot dito, marami naman ang nag­pa­hayag ng disgusto sa ginawa ni Joshua.

Para sa iba ay mukhang nakausap na raw ng management ang aktor kaya kalmado na ito ngayon pagkatapos i-like ang ilang posts ni Bea Alonzo.

May ilan naman ang nagsabi na madali talagang paikutin ang aktor at nagpapagamit ito kay Julia.

Samantala, may ilang nag­sabi na baka nag-overreact lang si Bea at kahit ‘di pa sigurado ay gumawa ng hakbang na ‘di muna nag-isip nang mabuti.

Ang iba naman ay patuloy pa rin sa pamba-bash kina Gerald at Julia lalo’t may larawang lumabas kung saan nag-stay diumano ang dalawa sa isang hotel sa Subic.

Kung saan ang iikutan pa ng istorya lalo’t patuloy pa rin ang mga tagahanga ni Bea sa pagkalap ng mga ebidensiya na magdidiin at magpa­patunay na may itinatago talagang relas­yon ang dala­wa, hintayin na lang natin kung kani­nong career ang maaapek­tuhan nang husto sa isyung ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page