top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Imbes na pahirapan; Angkas riders, tulungan!

Ryan B. Sison
Jul 26, 2019
1 min read

SA matinding trapik na narara­nasan natin, to the rescue ang Mo­torcycle Hailing App na Angkas sa pagiging convenient nito para sa la­hat.

Gayunman, lahat ng motorista ay may kani-kanyang diskarte sa pagda-drive kung anong ruta ang kanilang daraanan.

‘Yun nga lang, maaari itong ma­apektuhan dahil sa bagong panun­tunan na ipinatutupad laban sa mga rider ng Angkas kung saan ipinag­babawal sa kanila ang makadaan sa Osmeña Highway dahil umano sa mababang klase ng makina ng ka­nilang mga motorsiklo.

Kaya hindi napigilan ng mga ri­der na umalma at kuwestiyunin ito.

Una nilang kinuwestiyon ang ka­pangyarihan ng ahensiyang nagpa­patupad ng ban at buwelta nila, hin­di pribado ang kalsada para magka­roon ng limitasyon para sa kanila.

Gayundin, wala pang inilalabas na kautusan ang mga ahensiya ng pa­mahalaan tulad ng DOTr, Toll Re­gulatory Board o DPWH tungkol sa naturang pagbabawal.

Samantala, kung tuluyang mai­pa­tutupad ang nasabing ban, mainam kung bibigyan sila ng alternatibong daraanan nang sa gayun ay hindi sila mahirapan.

Dagdag pa rito, pinagagaan na nila para sa mamamayan ang trans­por­tasyon, tapos ang isusukli pa sa ka­nila, pahirap imbes na tulong. Tsk!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page