top of page
Pokwang.jpg

Bahay ginawang drug den | Tatay, 3 anak kulong sa droga

Gina Pleñago
Jul 26, 2019
1 min read

ISANG ama at tatlo nitong anak na lalaki na si­nasabing sangkot sa iligal na droga ang arestado sa buy-bust operation ng Makati City Police Station Drug Enforcement Unit, Special Weapons and Tactic at Spe­cial Reaction Unit sa Bgy. Cembo, Makati City.

Kinilala ni Makati City Police Chief P/Colonel Ro­gelio Simon, ang mga nahuli na sina Gomerciano Cama­rador, 60; mga anak na sina Homer, 38; Gomer­ciano, Jr., 30, at Jomar, 29.

Ayon kay P/Lieutenant Jeson Vigilla, alas-7:35 ng gabi nang isinagawa ang operation sa bahay ng mag-aama na nagsisilbing drug den.

Nakuha sa mag-aama ang 60 sachets na naglalaman ng hinihinalang droga na may street value na P30,000, walong bala ng 9mm, apat na bala ng kalibre .38, da­lawang bala ng kalibre .22, drug paraphernalias at ang P300 buy-bust money.

Ani P/Lt. Vigilla, nahuli ang mag-aama matapos magpanggap na poseur-buyer ang isa sa kanyang mga tauhan para bumili ng nasabing droga.

Matagal na umanong inirereklamo ng ilang resi­dente ang mag-aama dahil iba’t ibang tao ang dumarayo sa bahay ng mga suspek para bumili ng ipinagbabawal na droga.

Katwiran naman ng ma­tandang Camarador, hindi niya alam ang ginagawa ng mga anak sa ganitong iligal na gawain.

Ayon naman sa tatlong anak, hindi sila nagtutulak ng droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page