PACMAN NAGPATUTSADA KAY M’WEATHER: “HINDI KA SISIKAT KUNDI DAHIL SA’KIN!”
- MC / Alvin Olivar
- Jul 25, 2019
- 2 min read

PAGBAWI sa pride ang pakay ng Pambansang Kamao kaya naman nagpatutsada si Pacman sa mga binitiwang salita ni Floyd Mayweather hinggil sa inuudyok ng marami na magkaroon sila ng rematch.
“You come to my fight and then use my name in a post but I’m the one that is trying to stay relevant? If you want to be relevant again,” ‘yan ang mariing sinabi ni Pacman sa kanyang tugon sa social media.
Ang ideya kasi ng rematch sa pagitan nina undefeated Mayweather at Pacquiao ay muli sanang ikinakasa noong 2017, pero minalas lang si Pacman na matalo sa isang kontrobersiyal na laban kay Australian Jeff Horn.
Napakadali sana kay Pacman na tanging may hawak ng walong iba’t ibang division title ang rematch sa mamang itim nang talunin niya sina Adrien Broner, Lucas Martin Matthysse at Thurman.
Napabagsak ni Pacquiao si Thurman sa unang round noong Linggo at nagpadapo ng mabibigat na kombinasyong upak, bilis at pagka-agresibo sa kabuuan ng laban. Halos hindi makaporma si Thurman sa kalagitnaan ng round, bumabagal man panaka-naka ang 40-anyos na Pinoy ay nakokontrol pa rin nito ang pagsapit ng 9th at 10th rounds lalo na at marami siyang pinatamang mga suntok sa bodega ng Kano na ikinapilipit nito.
Ang laban ni Mayweather kay Conor McGregor ang ika-50 na panalo sa halos 50 ring laban na walang talo kabilang na ang 2015 na pagwawagi kay Pacman.
Ang tanong, wala na nga ba talagang obligasyon si Mayweather na kasahan pa si Pacman? Kay Mayweather na raw kasi ang huling halakhak, ayon sa kanyang Instagram post at malamang na ayaw na rin niyang madungisan ang kanyang undefeated record. Umaayaw na talaga si Mayweather kahit na pursigido sa pangungulit si Pacman. Abangan na lang natin, mga boxing fanatics!





Comments