Opisyal ng transport group | JEEPNEY DRIVER NIRATRAT, UTAS

PATAY matapos pagbabarilin ang drayber ng pampasaherong jeep na opisyal din ng isang transport group sa EDSA-North Avenue sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Roel Malagiño, vice-president ng Stop and Go Coalition-Muñoz Monumento Chapter.
Naganap ang insidente alas-8:58 ng gabi nang papauwi na ang biktima mula sa pamamasada at wala nang sakay na pasahero.
Nakatakbo pa ng ilang metro ang tsuper bago bumangga sa van at binalikan ng dalawang suspek na nakamotorsiklo para siguruhing patay.
Isa sa mga motibong iniimbestigahan ang posisyon nito bilang isa sa mga lider ng grupo ng mga drayber.
Nabatid pa sa pamilya ng biktima na 2018 pa nang may mga natatanggap ng pagbabanta sa buhay si Malagiño.





Comments