top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Makikipaglibing, nahulog sa bangin | 7 TODAS SA KILLER TRUCK

  • Jeff Tumbado
  • Jul 25, 2019
  • 1 min read

PATAY ang pito katao habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang mini truck sa Sitio Muntonop, Bgy. Ubo, Aguinaldo, Ifugao, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Joey Tambiag, asawa nitong si Divina at sina Whilma Chumatog, Josephine Uhuban, Ricky Chog-ap, Rosita Paynohon, pawang mga residente ng Bgy. Majlong, Aguinaldo, Ifugao at Vicente Buyag-ao, naninirahan naman sa Timboan Bunhian.

Sa Benguet District Hospital naman isinugod at kasalukuyang ginagamot ang tatlong iba pa na sina Artist Paynohon, Kimberly Joy Tambiag at Fernando Bahiwag.

Ayon kay Police Lt. Ricardo Dumangeg, lulan ng Isuzu ELF truck ang mga biktima at binabagtas ng drayber nito na si Tambiag ang paibabang kalsada sa Bgy. Ubo nang mawalan umano ito ng preno hanggang sa mahulog sa bangin.

Nabatid na ang mga biktima ay pawang mga magkakamag-anak mula sa Bgy. Maljong at patungo sa kabilang barangay para makipaglibing sa isa nilang kaanak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page