Kaya nangungurakot — Digong | MGA MAYOR, MAY KABIT!

NANINIWALA umano si Pangulong Rodrigo Duterte na mayorya o 60 porsiyento ng mga alkalde sa bansa ay may ibang babae o babaero.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Epimaco Densing III, ang pagiging babaero umano ng mga lokal na opisyal ang karaniwang nagiging ugat ng katiwalian sa gobyerno.
“Sabi ni Presidente, ang hula niya 60 percent ng mga mayor, may babae,” ayon kay Densing.
“Good governance is issue ng pangangailangan ng mga mayor saka ‘yung mga pangangailangan nila bilang ordinaryong tao. Kung marami sa kanila ang nambababae, parang mas malaki ang requirement nila na magkaroon ng pera sa bulsa nila,” dagdag pa nito.
Sinabi aniya ng pangulo sa pulong nito sa mga local chief executive ang pagkadismaya sa patuloy na korupsiyon sa pamahalaan at ang pagnanais na magbitiw na sa posisyon dahil sa kabiguang matuldukan ang nasabing problema.
“Gusto nga niya mag-resign na dahil parang hindi niya mahabol ‘yung tuluy-tuloy na korupsiyon. Kasi nasa huling tatlong taon na po siya ng kanyang panunungkulan, nire-emphasize niya lang na ‘wag talagang maging involved sa iligal na droga ‘yung mga local chief executive dahil talagang papatayin talaga niya,” ani Densing.





Comments