top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya nakipagkita sa ama ng Maynila… ALDEN, MAY INIHIHIRIT KAY MAYOR ISKO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 25, 2019
  • 1 min read

MARAMING nagulat at nagtaka nang lumabas sa social media ang larawan nina Manila Mayor Isko Moreno at Alden Richards na magkasama. Agad na inisip ng lahat na baka may special project si Mayor Isko na ipahahawak sa Pambansang Bae o baka may movie silang pagsasamahan.

Pero, nabigyang linaw ang lahat ng espekulasyon nang maibalita na mismo sa news program ng GMA-7 na ang pagbisita ni Alden sa opisina ni Mayor Isko kasama sina Mikee Quintos, Jo Berry at Betong Sumaya ay para humingi ng permiso na gamitin ang ilang lugar sa Maynila na maging location ng bagong serye ng Pambansang Bae. Buong-puso naman itong sinuportahan ng batambatang mayor ng Maynila.

Well, balita namin, sa bagong serye ni Alden ay may taglay siyang kakaibang powers.

Samantala, masaya at abut-abot ang pasasalamat ni Alden dahil ang pelikula nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye ay Graded A ng Cinema Evaluation Board.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page