Kahit laglag na raw dahil bawal… HIRIT NI VICE: MOVIE NI COCO, MAKAKAPASOK PA RIN SA MMFF
- BULGAR

- Jul 25, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

KAHIT taun-taong magkalaban ang mga pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin, hindi pa rin nawawala ang pagiging magkaibigan ng dalawa kaya naniniwala pa rin ang Unkabogable Star na makakapasok ang movie ng kaibigan sa Metro Manila Film Festival 2019.
Noong Hulyo 10, opisyal na inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang unang apat na pelikulang maglalaban sa MMFF 2019. Kabilang dito ang comeback movie ni Kris Aquino na (K)Ampon, kung saan makakasama niya bilang leading man si Derek Ramsay; Miracle in Cell No. 7 na pagbibidahan nina Aga Muhlach at Nadine Lustre; Mission Unstapabol: The Don Identity nina Vic Sotto and Maine Mendoza; at ang Momalland kung saan kasama ni Vice Ganda ang It’s Showtime co-host na si Anne Curtis bilang parte rin ng selebrasyon ng sampung taon ng pagkakaibigan nila dahil sa noontime show.
Sa pelikula ni Coco Martin ay makakasama niya ang dalawang Kapuso actresses na sina Ai Ai delas Alas at Jennylyn Mercado, pero hindi nga ito napili ng MMFF 2019 selection committee dahil hindi raw puwede ang magkakatulad na genre ng pelikula sa filmfest.
Gayunman, naniniwala pa rin si Vice na makakapasok ang pelikula ni Coco.
Pahayag ng TV host-comedian, “Feeling ko naman, papasok. ‘Yung next four kasi, ang basis naman, complete material, ‘yung complete movie na ang papanoorin ng committee.
“Pinagtatrabahuhan din naman ni Coco, so feeling ko naman, makakapasok ‘yun. Sayang din naman kung hindi.”
Dagdag pa ng It’s Showtime host, “I’m very confident na papasok ‘yung movie niya. Maganda rin ‘yung material ni Coco. Hindi papayag ‘yun na hindi maganda ‘yung material niya.”





Comments