top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOROSCOPE | Hulyo 25, 2019 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 25, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 25, 2019 (Huwebes): Napa­ka­lakas ng iyong karis­ma. Magagamit mo ito para makuha mo ang anumang papangarapin mo sa buhay. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, kung ano ang ma­ganda sa ti­ngin mo, ‘yun ang piliin mo. Hindi para sa iyo ang sinasabing, ang magan­da sa paningin ay hindi magandang piliin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto- 17-20-23-39-41-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawak mo ngayon ang iyong ka­palaran. Isa itong pre­bilehiyo na ipinagkaka­loob ng langit sa mga gustung-gustong umasen­so ang buhay. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-18-20-23-30-35.

GEMINI (May 21- June 20) - Huwag kang ma­ngamba, pu­wede mong pagsabay-sabayin ang iyong mga hangarin sa buhay. Ang totoo, kahit hindi ito sa­bihin, ito na mismo ang takbo ng kapalaran mo. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-11-14-16-31-32-36.

CANCER (June 21- July 22) - Kaka­ibang pakiram­dam ang iyong madarama dahil papalapit na sa iyo ang mga suwer­teng inaasam-asam mo. Ang tanong, mapasasaiyo ba ang mga ito? Ang sagot ay oo. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-19-22-24-30-34-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hin­di mo kaya da­hil mahina ka! Wala kang ma­gagawa kundi ang tang­gapin ang katotoha­nang ang mga tukso ay gumu­gulo sa isip at kilos mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-1-16-20-24-26-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sundin mo ang sinasabi ng iyong puso. Ang utos ng iyong isip ay mag­sisilbing mga negati­bong puwersa na palaging had­lang kung paano ka lili­gaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-15-18-20-24-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit saan ka magpunta at kahit ano pa ang iyong ginagawa o wa­lang anumang pinagka­ka­abalahan, ikaw ay bu­buwenasin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-15-20-24-30-36-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Samanta­lahin mo ang araw ngayon kung kailan mahina ang iyong mga karibal. Uma­asta lang silang malakas, pero ang totoo, hanggang porma lang sila. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-20-24-30-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magser­yoso ka, pero sa pagseser­yoso, dapat kang makita na masaya. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-20-23-31-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Simple lang ang susi ng tagumpay. Ilabas mo ang magagandang katangian at itago ang mga pangit na ugali. Gawin mo ito at makaaasa ka na ma­a­abot mo ang iyong mga ambisyon. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-15-23-26-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit ka nagtataka na marami pa rin ang may hangaring maging bahagi ka ng bu­hay nila? Sadyang totoo ang mada­las mong nariri­nig na ikaw ang pampasu­werte ng ta­ong may gusto sa iyo. Ma­suwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-7-10-18-21-22-26.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Habang nila­lan­das mo ang daan patungo sa tagumpay ay may ma­ka­haharap kang mga pag­­su­bok. Ito ay simpleng nag­­sasabing, sinusubok ka lang kung buo ba ang iyong loob. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-15-21-24-33-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page