Hirit ni Pacquiao | LETHAL INJECTION SA PLUNDER, FIRING SQUAD SA DRUGS
- Lourdes Abenales
- Jul 25, 2019
- 1 min read

NAIS ni Senador Manny Pacquiao na maparusahan sa pamamagitan ng lethal injection ang mga plunderer habang firing squad naman ang mga drug trafficker kapag naging ganap ng batas ang panukalang death penalty.
“Kung sa droga, siguro firing squad para makita ng tao na huwag tularan. ‘Pag plunder, puwede na ring lethal injection,” ani Pacquiao.
Sa Senate Bill No. 189, nais ng senador na patawan ng death penalty ang mga sangkot sa karumal-dumal na krimen, gayundin sa mga gumagawa at nagbebenta ng iligal na droga.
Nais naman ni Pacquiao na isponsoran ang panukala sakaling italaga siyang pangunahan ang pagdinig hinggil dito.





Comments